(NI NOEL ABUEL)
DAHIL sa kontrobersyal sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law o ang Republic Act 10592 ay kumilos na ang mga senador para muling himayin ang nasabing batas.
Nagkakaisa sina Senate President Vicente Sotto III, Senador Panfilo Lacson at Senador Richard Gordon na muling isailalim sa pag-amiyenda ang Articles 29, 94, 97, 98 at 99 sa Revised Penal Code na nakapaloob sa RA 10592.
Sa inihain ng mga itong Senate Bill No. 993 nais ng mga senador na linawin ang GCTA law partikular ang pagbabawas sa jail time ng mga inmates dahil sa ipinakikitang magandang imahe.
Giit ni Sotto, maganda ang nilalaman ng RA 10592 na ipinasa noong 15th Congress na naglalayong mapalaya ang persons deprived of liberty (PDLs) habang nililitis ang kaso ng mga ito.
Layon din ng GCTA, na mabawasan ang bilang ng mga presong nakadetine sa mga prison cells sa buong bansa.
“However, when it was enacted into law, it caused an absurd interpretation and its very provisions needed harmonization,” anila.
Nasubukan umano ang RA 10592 sa kaso ni dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez kung saan naging kontrobersyal ito lalo na at heinous crime ang kinasangkutan nito dahil sa pagpatay at paghahalay kay Eileen Sarmenta at pagpatay rin sa kaibigan nitong si Allan Gomez noong 1990.
“The provision on GCTA has been in effect since the 1930s and it has not raised this kind of concern from the people and the government. Thus, it is an opportune time to go back to the old law where no question of proper implementation has been put forth to the government and prisoners are enjoying its benefits without a question of the propriety of its applicability on them,” nakasaad sa nasabing panukala.
