GEN. NAFARRETE BINISITA ARMY 6ID PARA SA BARMM POLL

PERSONAL na sinilip ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Antonio Nafarrete ang Army 6th Infantry Division (6ID) sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao upang suriin ang security preparations at kahandaan ng mga sundalo para sa nalalapit na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections na inaasahang gaganapin sa Setyembre 14.

Kasama ni Gen. Nafarrete si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Donald Gumiran, na humalili sa kanya bilang Western Mindanao Command (WESMINCOM) Commander nang siya ay naging AFP Chief of Staff.

Tinalakay sa pagbisita ang mga key security updates, operational plans at nagpapatuloy na paghahanda sa mga lugar na sakop ng halalan.

Nakatuon ang diskusyon sa mga potensyal na banta sa seguridad, peace spoilers at posibleng presensya ng private armed groups.

Binigyang-pansin din ang seguridad ng mga botante, election personnel, kandidato at political parties sa buong electoral process.

Binigyang-diin ni Gen. Nafarrete ang pangangailangang maging mapagmatyag, responsive at handa sa mga posibleng banta na maaaring makaapekto sa halalan.

Ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking magiging maayos, mapayapa at credible ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.

(JESSE RUIZ)

60

Related posts

Leave a Comment