GEOGRAPHICAL CHALLENGE SA BARMM VACCINATION

DALAWANG dahilan ang nakikita ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interior and Local Government Minister Naguib Sinarimbo na nagsisilbing balakid para maabot ang mataas sanang vaccination rate sa rehiyon.

Ang paliwanag ni Minister Sinarimbo, isa na rito ang layo-layong island municipalities kagaya ng nasa Tawi-Tawi, Sulu at Basilan.

Lubhang mahirap aniyang abutin ang mga tao sa nabanggit na komunidad na nangangailangang sadyain sa pamamagitan ng pagbiyahe gamit ang bangka.

“Una po ay medyo mababa naman iyong rate noong infection dito sa atin ng Covid. Ang total cases lang po natin cumulative ay nasa 14,951; pero ang recovery rate natin, mataas po, nasa 13,831. Samantalang 586 lang iyong death natin,” lahad ni Sinarimbo.

Ikalawang major challenge aniya ay napakahirap talagang makakumbinsi para makapagpabakuna.

Ang nakikita naman aniya nilang solusyon dito ay ang paggamit sa maimpluwensiyang sektor sa BARMM para mahikayat ang mayorya na magpabakuna.

“So, mahirap pong abutin lalo na po ang mga communities na ito dahil magta-travel po kayo by boat, pagdating po doon kailangan din natin na handa iyong buong team just in case magkaroon ng

adverse effect iyong vaccination natin. So iyon po ang malaking challenge natin, iyong vaccination rate natin ay mababa doon sa mga areas na geographically challenged tayo,” ayon kay Sinarimbo.

“Pero sa mga areas po na dating mataas iyong rate nila bumaba na rin po kagaya po ng Lanao Del Sur at saka Cotabato City. So, nag-i-stabilize na po tayo, ang kailangan po nating habulin talaga ay mabakunahan iyong mga kababayan natin para po ma-achieve natin iyong herd immunity,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

122

Related posts

Leave a Comment