GIANT CHRISTMAS TREE SA BRGY. REMBO INILAWAN

NAGLIWANAG sa iba’t ibang kulay ang TLC People’s Park sa Barangay West Rembo, Taguig City matapos pormal nang ilawan ang mala-higanteng Christmas Tree sa lugar.

Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang lighting ceremony, kasabay ng engrandeng lights display na talaga namang nagpabighani sa publiko.

Katabi ng Pasig River ang nasa apat na ektaryang TLC People’s Park, ay bukas sa lahat at libre.

Present din sa event sina Taguig City Vice Mayor Arvin Ian Alit, Taguig-Pateros District Representative Ricardo “Ading” Cruz Jr., Taguig District 2 Representative Jorge Daniel Bocobo, pati mga city officials at barangay leaders ng EMBO barangays nitong Sabado ng gabi.

Hinimok ni Cayetano ang mga pamilya at barkada na bisitahin ang parke.

Aniya, “Ang parke para sa akin ay lugar kung saan nagtitipon ang bawat pamilya, magkakaibigan. Dito tayo nagtitipon upang magkaroon ng kasiyahan, patatagin ang ating mga relasyon, at magkaroon ng pag-aalaga sa ating kalusugan.”

Bahagi rin ng pasyalang ito ang bagong bukas na TLC Food Park–EMBO, na nagsimula lamang mag-operate nitong Oktubre.

(CHAI JULIAN)

32

Related posts

Leave a Comment