ANO kaya ang magiging estado ngayon ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ngayong mayroon nang bagong Pangulo ang Philippine Health Insurance Co. o PhilHealth.
Lalo kaya itong mamayagpag o tuluyan nang makakasuhan ito?
Kasi po simula pa sa pamumuno ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay samut-saring reklamo na ang mga ibinabato kay Sec. Duque subalit nakakabalik pa rin ito sa puwesto.
Ano kayang uri ng pandikit ang ginagamit ni Sec. Duque dahil kahit isinasangkot na ito sa tinaguriang mafia sa PhilHealth ay namamayagpag pa rin ito sa gobyerno ni Pangulong Mayor Rodrigo Duterte!?
Akala ko nga talagang totoo sa kanyang salita o pangako si Pangulong Mayor Digong noong nangangampanya pa ito at kahit sa kanyang State of the Nation Address o SONA na matigas nitong
sinasabi na kahit katiting lang na masilip niya o malaman niya na mayroong kurapsyon sa isang itinalaga niyang opisyal hindi na ito aabutin ng 24-oras at sibak na kaagad ito?!
Mukhang sa kaso ni Sec. Duque nasira ang pangako ng Pangulong Mayor Digong!?,.
Mantakin niyo naman kahit ang mga Senador na nagiimbestiga sa katiwalian ng PhilHealth na nagpahayag na dapat ng sibakin ni Pangulong Digong si Sec. Duque sa DOH dahil sangkot ito sa
nangyayaring anomalya sa PhilHealth, subalit datapuwat ang hindi ko talaga malubos maisip anong mayroon si Sec. Duque at di kayang sipain ito ni Digong sa kanyang administrasyon.
Kaya nga po umaasa tayo na siguro naman sa pagkaupo ni Dante Gierran sa PhilHealth bilang Pangulo ay matutukoy na rin ang kaugnayan o kasalanan ni Duque sa mga nangyayaring anomalya sa PhilHealth.
Ang nakakatakot lang baka mas lalo pang mamayagpag ang pakpak ni Duque dahil sa pagka-upo ni Gierran, sana naman ay huwag mangyari iyon.,
Dahil gaya nga ng sinabi ni Secretary of Justice DOJ Menardo Guevarra ay hindi kayang paglakuan nino man si Gierran dahil sa taglay nitong credentials.
Isang certified public accountant, (CPA), lawyer o Abugado, mayroong investigative skill at administrative abilities na akma para pamunuan ang PhilHealth.
Kaya umaasa ang kalihim na bilang na ang araw ng mga tiwali sa PhilHealth at mananagot ang mga ito sa kanilang mga ginawang katiwalian sa ahensiya kasama na dito ang mga medical institution na dawit rin sa maanomalya interim reimbursement mechanism (IRM)ng PhilHealth.
146 