GINANG NIRATRAT SA INUMAN

DEAD on arrival sa ospital ang isang 24-anyos na ginang makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa umpukan ng mga nag-iinuman, habang sugatan ang isang 27-anyos na Lalamove rider sa insidenteng nangyari sa Felina Extention, Barangay 429, Zone 44, Sampaloc, Manila noong Huwebes ng gabi

Kinilala ang biktimang si “Marjorie”, may live-in partner at residente sa naturang lugar. Tinaman naman ng bala sa hita ang live-in partner ng biktima na kinilalang si alyas “Joseph”.

Ayon sa ulat ni Det. Jason Ibasco, may hawak ng kaso, na isinumite kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-10:45 ng gabi nang mangyari ang pamamaril.

Salaysay ng testigong isang barangay secretary, bigla na lamang sumulpot ang riding in tandem at walang-awang pinagbabaril ang ginang sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan.

Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng A. H. Lacson St. sa Sampaloc, Manila.

Agad namang isinugod sa Ospital ng Sampaloc ang ginang at ang live-in partner nito subalit dakong alas-11:30 ng gabi ay idineklarang dead on arrival si Marjorie.

(RENE CRISOSTOMO)

49

Related posts

Leave a Comment