GINEBRA HIHIRIT NG ISA PA!

NGAYON ang simula ng matira-matibay na quarterfinals ng 2021 PBA season-ending Gover-nors’ Cup sa Smart ­Araneta Coliseum.

Napaka-importante ng laro para sa defending champ Barangay Ginebra, na kailangang talunin ng dalawang beses ang last season’s Philippine Cup titlist TNT, na may twice-to-beat incentive kaya’t nangangailangan lang ng isang panalo upang umusad sa semifinals.

Kaya’t sisikapin ng No. 6 Gin Kings ni coach Tim Cone na magtagumpay ngayong alas-6 ng gabi upang makahirit ng isa pang game kontra No. 3 Tropang Giga ni coach Chot Reyes.

Ngunit bago ang salpukan ng dalawang teams ay mauuna muna ang tapatan ng No. 2 NLEX at No. 7 Alaska sa alas-3 ng hapon.

Gaya ng TNT, may twice-to-beat advantage din ang Road Warriors at kailangan lang talunin ng isang beses ang Aces para umabante sa susunod na round.

Samantala, sa Biyernes ay double-header din ang nalalabing apat na teams. Unang magharap ang No. 4 Meralco Bolts at No. 5 San Miguel Beer sa alas-4 ng hapon, bago ang salpukan ng No.1 Magnolia at No. 8 Phoenix sa alas-6 ng gabi.

Parehong may twice-to-beat advantage ang Bolts at Hotshots kaya’t kailangang kumayod ng husto ng Beermen at Fuelmasters upang manatiling buhay ang tsansa sa playoffs.

Kung magkakaroon ng rubber matches, ­gaganapin ang games sa Sabado (Marso 19), habang ang iba pang quarterfinal pairings ay nakaiskedyul kinabukasan (Marso 20).

137

Related posts

Leave a Comment