Gloves, face shields or helmet sapat na – solon MOTORCYCLE BARRIER TAKAW AKSIDENTE

MAS peligro sa mga motorcycle rider at backrider ang paglalagay ng barrier kaya umapela si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa National Task Force (NTF) on COVID-19 na ikonsidera ang desisyon nitong papayagan lamang ang angkas sa motorsiklo kung maglalagay ng Do-it-Yourself installation barrier.

Sa sulat na ipinadala ni Revilla kay NTF chairman  at Department  of National Defense (DND) Sec. Delfin N. Lorenzana, ipinaliwanag nito na hindi ligtas na lagyan ng barrier ang motorsiklo para payagang makabiyahe ang mag-asawa, magka-live-in o mga taong nagsasama sa isang bahay.

“When you have a backrider, the weight has to be synchronized. As the rider weighs left, the backrider has to do the same or else there’s a high chance of crashing. A divider between both riders will make this and balance very difficult as there will be no tactile feedback between them. That barrier will also impact aerodynamics greatly, also interfering will balance,” sabi ni Revilla, na isa ring motorcycle rider enthusiast.

Dagdag pa nito, bukod sa mataas na posibilidad na ang makeshift barrier ay maaaring humantong sa higit pang aksidente sa motorsiklo.

Bilang alternatibo, iminungkahi ni Revilla sa NTF na obligahin na lamang gumamit ang mga rider at backrider ng guwantes, face shields at full face helmet at hindi makagambala sa kinakailangang maayos na kamay at balanse sa dalawang gulong na sasakyan.

“After all, both riders live in the same house where they interact in the same space without masks, share utensils, and at the end of day, sleep on the same bed. The installation of a barrier on motorcycles for the purpose of protecting them from each other seems unnecessary,” ayon pa kay Revilla.

‘WAG PAGHIWALAYIN

HINDI dapat paghiwalayin ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga mag-asawa kahit sa motorsiklo.

naman ang apela ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin matapos payagan ng IATF ang mga mag-asawa na magkaangkas sa motorsiklo subalit may barrier na maghihiwalay sa kanila.
“Nais ko pong umapela sa mga tagapagpatupad ng batas na kapag mag-asawa ‘di na kailangan ng barrier sa pagitan ng angkas at driver,” pahayag ni Garbin.

“Sabi ng iba, kailangan daw ng barrier para di tumalsik yung laway papunta sa pasahero, eh magkasama nga sa bahay yun eh. Mag-asawa yun eh, nagkakapalitan talaga ng bodily fluids yun, so walang sense kung pagdating sa pag-angkas sa motor ire-require pa silang magpakabit ng barrier. Utterly nonsense po,” ayon pa sa mambabatas.

Kailangan lamang aniya ang barrier kung pampasahero ang motorsiklo dahil hindi magkakilala ang driver at pasahero subalit kapag mag-asawa ay hindi na dapat lagyan ng harang sa pagitan nila.
Maging sa mga miyembro ng pamilya na magkakasama sa iisang bahay tulad ng nanay, tatay, kapatid na iaangkas sa motorsiklo ay hindi na umano dapat maglagay ng barrier.

Kailangan lang mahigpit na ipatupad ng mag-asawa at magkakaanak na magkaangkas sa motorsiklo ang pagsusuot ng helmet at visor shield, surgical o kaya N95 face mask at full body protective suit lalo na’t airborne ang COVID-19 virus.

Nangangamba ang mambabatas na kapag naglagay ng barrier sa magkaangkas na mag-asawa ay manganganib ang mga ito hindi sa COVID-19 kundi sa disgrasya.

Takaw aksidente ang tawag sa mga bagay tulad ng mahiwagang “barrier” na gusto ng IATF,” ayon pa sa mambabatas. (NOEL ABUEL/BERNARD TAGUINOD)

225

Related posts

Leave a Comment