GMA ITINURONG MGA ‘BATAAN’ NI DU30 ANG NAKAKUHA NG BILYUN-BILYONG PORK BARREL

LUMABAS sa mismong bibig ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tadtad ng ‘prok barrel’ ang mungkahing P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon.

Ngunit, idiniin niya na higit na malaki ang pork barrel ng mga kilalang bataan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dating mga namumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Itinuro ni Arroyo sina dating Speaker Pantaleon Alvarez na P5 bilyon ang pork, dating Majority leader Rodolfo Fariñas na P3.5 bilyon ang pork at P4 bilyon naman kay dating House Appropriations Committee chairman Karlo Nograles.

Si Alvarez ay sanggang-dikit ni Pangulong Rodrigo Duterte, samantalang si Nograles ay pamangkin ng pangulo.

Silang tatlo ang nakakopo ng higit na malaking pork barrel para sa kani-kanilang distrito “[a]s approved by 3rd reading,” pagbubunyag ni Arroyo.

Batay sa rekord, P2.4 bilyon napunta kay Arroyo, samantalang P1.9 bilyon sa distrito ni Majority leader Rolando Andaya, Jr.

124

Related posts

Leave a Comment