GO TUMULONG SA MAAGANG PAGDATING NG ASTRAZENECA

MAPAPAAGA ang pagdating ng isa pang COVID-19 vaccine sa bansa mula sa United Kingdom dahil sa pakikipag-ugnayan ni Senador Bong Go sa ilang opisyal ng nasabing bansa.

Bukas nakatakdang salubungin sa airport nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Go ang 525,600 doses ng AstraZeneca na mula pa sa bansang England. Ngayong hapon inaasahang darating naman sa bansa ang Sinovac mula sa China.

“Kinausap ko po si British Ambassador to the Philipines Daniel Pruce noong Miyerkoles kung maaring padalhan na rin tayo ng AstraZeneca na gawa sa Britanya para may option ang mga frontliners kung anong bakuna ang gusto nila,” ayon kay Go na Chairman din Senate Committee on Health.

Aniya, “nangko naman si Ambassador Pruce na tutulong sa agarang pagpaparating ng nasabing bakuna sa ating bansa. At yun na nga, parating na ang AstraZeneca bukas”.

Dagdag pa ni Go, “naisip ko lang kasi na takot yung iba magpabakuna kung Sinovac lang at wala nang pagpipilian. Kaya minarapat natin na madaliin yung ibang AstraZeneca sa tulong ng kanilang gobyerno”.

Sinabi rin ni Go na magpapabakuna sila ng pangulo sa harap ng publiko para tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa mga bakunang ito.

“Ito lang po talaga ang paraan o susi para makabalik na sa normal na pamumuhay ang buong mundo,”pahabol pa ng senador. (ESTONG REYES)

144

Related posts

Leave a Comment