GAYA ng inaasahan, nanguna sa mga senador na may pinakamaraming absent sa First Regular Session ng 20th Congress si Senador Ronald Bato dela Rosa.
Sa official records ng Senado, sa loob ng 58 session days, 31 ang naitalang absent ni dela Rosa na nagsimulang hindi pumasok noong November 2025.
Pumapangalawa sa may pinakamaraming absent at late sa session ay si Senate Minority leader Alan Peter Cayetano na 14 na beses na hindi nakapasok sa session at 24 na beses late.
Sumunod naman si Senador Camille Villar na may 16 na araw na wala sa sesyon dahil naka-maternity leave.
Perfect attendance naman ang naitala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III at siyam na iba pa na sina Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, Senators Sherwin Gatchalian, Jinggoy Estrada, Robinhood Padilla, Imee Marcos, Joel Villanueva, Bam Aquino, Christopher “Bong” Go, Rodante Marcoleta at Risa Hontiveros.
May tig-iisang absent naman sina Senators Kiko Pangilinan, Erwin Tulfo at Chiz Escudero.
Habang sina Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, Senators Loren Legarda at Lito Lapid ay may tig-dalawang absences.
Si Senator Pia Cayetano ay may 3 absences, Mark Villar, 5 absences, habang sina Senators Sen JV Ejercito at Raffy Tulfo ay may tig-6 absences.
(DANG SAMSON-GARCIA)
39 