NANINIWALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na sa kabila ng kinahaharap na problema sa ekonomiya at pulitika, may pag-asa pa rin ang Pilipinas sa tulong ng Diyos.
Sa isang Facebook Live nitong Abril 7, ibinahagi ni Cayetano ang kanyang “3Ps framework” — purpose, potential, at power — bilang gabay sa pagharap sa hamon ng buhay.
“Sobrang daming pagsubok… but remember that God always gives hope, always gives an answer,” ani Cayetano.
Ayon sa senador, maaaring gamitin ng Diyos ang Pilipinas bilang instrumento ng pagpapala o ang ibang bansa upang tumulong sa oras ng pangangailangan, tulad ng kuwento ni Joseph sa Bibliya.
Sa personal na antas, iginiit niya na bawat isa ay may layunin at kakayahan na dapat gamitin upang makatulong sa kapwa at sa bansa.
“If God meant to sponsor 10 laws and I only sponsored 5, hindi ko nagawa ang potential ko,” dagdag niya.
28 