GOBYERNO, HINIMOK BUMALIK SA NEGOSASYON SA CHINA KAUGNAY SA WEST PH SEA

HINIMOK ni Senador Ronald Bato dela Rosa ang gobyerno na lunukin muna ang national pride at muling makipagnegosasyon sa China kaugnay sa pinag-aaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa gitna anya ito ng tumitinding pag-atake ng China sa ating mga tropa partikular ang mga nagsasagawa ng rotational at resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“Babalik tayo sa negotiating table. Makipag-usap tayo ulit kung wala man tayong ibang pupuntahan talaga nito. Kung hindi makipag-usap. Kasi ayaw natin ng gulo ayaw natin ng giyera. So babalik tayo sa pagkikipag-usap wherein on that note, we will expect surely that yung ating national pride natin medyo iluluklok natin kahit papaano, di ba,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam ng DWIZ.

Pabor naman ang senador na ngayon pa lamang ay magplano na ang National Security Council ng mga ikakasang hakbangin upang matiyak ang ating kahandaan sa anumang pangyayari.

“Dapat mag-start na tayo ngayon na maghanda. Handa, calling the conference sa National Security Council ay isa yan dapat sa mga hakbang sa paghanda,” diin ng mambabatas.

Isa rin anya sa maaaring gawin. Ay ang paglapit sa International Committee of the Red Cross upang masuportahan ang mga sundalo at mga mangingisda sa West Philippine Sea.(Dang Samson-Garcia)

226

Related posts

Leave a Comment