IPINAG-UTOS na ni dating Senate President at NPC chairman Vicente Tito Sotto III ang pagsibak kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kanilang partido.
Ito ay batay na rin sa petisyong inihain ni Tarlac Governor Susan Yap.
Binanggit ni Sotto sa kanyang kautusan na pinatawan na ng preventive suspension ng Ombudsman si Guo dahil sa ilang administrative complaints.
Ito ay dahil sa reklamong inihain ng Department of the Interior and Local Government dahil sa kasong graft laban kay Guo.
Bukod pa rito, sinampahan na rin ng qualified human trafficking ang alkalde ng Presidential Anti-Organized Crime Commission sa Department of Justice laban.
Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa umano’y pagkakasangkot sa operasyon ng POGO.
Sinabi ni Sotto sa kanyang sagot sa petisyon ni Yap na hindi kukunsintihin ng NPC ang pagkakasangkot sa iligal na gawain ng sinuman nilang miyembro.
“I will be directing our Secretary General, Sec. Mark Llandro Mendoza to implement the said order and immediately inform Mayor Guo of her removal from the party,” pahayag ni Sotto sa kanyang sagot sa petisyon ni Yap. (DANG SAMSON-GARCIA)
