GOOD VIBES MUNA TAYO

NAKAKATUWANG isipin kung ganito ang malalaman natin sa ating mga kababayan tulad nang nakuha nating impormasyon tungkol sa talentadong Pinoy na si Dr. Deo ­Florence Onda.

Bakit kamo? Si Dr. Deo Florence L. Onda, isang University of the Philippines (UP) Scientist lang naman ang kauna-unahang Pinoy na makakarating sa tinaguriang ‘3rd deepest spot on earth’.

Pambihira ang kakayanan ni Dr. Onda. Siya ay isang Microbial ­Oceagrapher na kauna-unahang tao at Pinoy na makararating sa pangatlong pinakamalalim na bahagi ng mundo na matatagpuan sa tinatawag na Philippine Trench.

Nasa 10,400 metro o katumbas ng 34,100 feet daw ang lalim nito.

Kung ikukumpara natin sa pinakamataas na gusali sa buong mundo na Burj Khalifa ng Dubai na may 828 metro o katumbas ng 2,717 feet ang taas, di hamak na mas mataas pa doon ang pupuntahan ni Dr. Onda.

Kinumpirma na ito ng UP Marine Science Institute bilang “major record-setting scientist and historic achievement”.

Ang deep sea expedition ay katumbas din daw nang isagawa ang eksperimento para sa kauna-unahang pagtungo sa kalawakan ng mga tao.

Kaya tiyak na ito rin ay maitatala sa kasaysayan at dagdag pa na katanyagan sa angking katalinuhan ng mga Pinoy.

Kung ganito ang mga lalabas na balita mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ay talaga nga namang nakaka-good vibes.

Hindi gaya nung mga naglabasang balita sa kanila kamakailan na sila raw ang pangunahing recruiter ng mga kabataan na sumali sa New People’s Army o NPA.

Masasabi nating talaga nga namang kapag nakatapos sa nabanggit na pamantasan, totoo na karamihan sa kanila ay dekalidad ang utak.

Marami sa kanila ang hindi matatawaran ang ­ga­ling at isa na nga diyan si Dr. Onda. Alam natin na marami pang iba na ­grad­weyt ng UP ang mga tanyag ngayon sa kanilang mga napiling karera.

Sila ang mga tinatawag na mga iskolar ng bayan.

Kaya kahit saang ­larangan, ang mga Pinoy ay hindi mahuhuli sa kanilang mga piniling karera maging dito sa sarilng bansa o sa ibayong dagat man.

Siyempre kung karangalan ng Pilipinas si Dr. Onda ay lalo pang mas karangalan ng kanyang mga kaanak.

Ang kanyang pangalan ay mananatili sa history ng Pilipinas at buong mundo.

Hindi na makakalimutan ang kaniyang pangalan kung siyensya ang pag-uusapan.

Pagdating nang panahon, ang kanyang pangalan ay maaaring makita na sa mga instrumento na gamit ng Science, gusali o kaya ay kalye man.

Magsisimula ang expedition nila Dr. Onda kasama ni Victor Vescovo na may hawak ng record na pagpunta sa Marianas Trench noong 2019 sa Marso 22 hanggang 28.

Sina Dr. Onda at Vescovo ay sasakay sa DSSV Pressure Drop na ang main sponsor ay Caladan ­Oceanic.

Sa pag-alis nina Dr. Onda at Vescovo ay planong iwagayway ang bandila ng Pilipinas.

Galing! Sana ganito lagi ang ating mababalitaan lalo na mula sa ating mga manggagawa mula sa pamahalaan.

Hindi laging korapsyon at nakawan o kaya ay palitan ng mga masagwang below the belt na patutsadahan.

Maraming salamat po kay Dr. Deo Florence L. Onda, sa karangalan niya na maibibigay sa bayan ni Juan, ingat na lang po sa biyahe sir!

Mabuhay po kayo! God Bless Po!

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email ­joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com o mag-text sa 0919-259-59-07.

408

Related posts

Leave a Comment