GURO ISAMA SA MENTAL HEALTH PROGRAM – NOGRALES

SINUPORTAHAN ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang Mental Health initiative ng   Department of Health (DOH) sa kanilang mga opisyales subalit kailangang gawin din aniya ito sa mga guro at iba pang empleyado ng ahensya.

Ginawa ni Nograles ang pahayag matapos aminin ni DepEd Secretary Leonor Briones na nagsagawa ang mga ito ng “Kaginhawaan for Top Leaders of DepEd sessions”.

Layon ng nasabing sesyon na matiyak na hindi apektado ang pag-iisip ng DepEd officials sa kinakaharap na problema ng bansa sa COVID-19 kung saan marami umano ang nakararanas ng anxiety.

“Suportado natin ang naging inisyatiba ng DepEd ukol sa mental health. Clear heads are needed in facing the challenges the education sector faces due to the pandemic—our leaders need to have
unclouded minds as they plan how our schools will cope with the changes forced upon us by COVID- 19,” ani Nograles.

Gayunpaman, kailangang magkaroon din umano ng ganitong programa ang DepEd sa mga grupo at iba pang education personnel sa mga paaralan.

“Our teachers also deal with various anxieties over the very uncertain circumstances that we are living under. Hindi lang mental health, kundi overall health ang dapat siguruhin natin para sa ating mga guro at iba pang education frontliners,” ayon sa bagitong mambabatas.

Dahil dito, sinuportahan ni Nograles ang panawagan ng iba’t ibang grupo na i-realign ang P29 billion budget sa rehabilitasyon ng mga eskuwelahan para sa health support ng mga guro at pagbili ng mga kinakailangang kagamitan para sa bagay na ito.

“As much as possible we should also exhaust all efforts to address the fears of our teachers and other frontliners, and in guaranteeing that they are fully equipped,” ayon sa kongresista.

Umaasa rin ang mambabatas na magkakaroon ng mas ligtas at epektibong sistema na ipatutupad sa distance learning habang nasa gitna ng pandemya sa COVID-19 ang bansa ngayong ipinagpaliban ang school opening sa Oktubre 5, mula sa dating Agosto 24.

“Umaasa tayong gagamitin ng DepEd ang extension na ito para punan ang mga pagkukulang at ayusin ang mga dapat ayusin para sa mga estudyante, at maging sa mga guro,” ani Nograles. (BERNARD TAGUINOD)

140

Related posts

Leave a Comment