HALOS P4.8-M NATANGAY SA PAMILYANG NILOOBAN, GINAPOS NG 6 ARMADO

TINUTUGIS ng pulisya ang anim na lalaki na sakay ng Toyota Fortuner matapos pasukin at looban ang isang bahay sa subdivision sa Imus kamakalawa ng madaling araw.

Ayon sa biktimang si alyas “Marie,” 38, real estate sales officer at residente ng Legian 1 Subdivision, Brgy. Carsadang Bago, dakong alas-3:10 ng umaga nang sirain ng mga suspek ang padlock ng gate at pasukin ang kanilang bahay.

Igina­pos umano ang biktima, ang kanyang asawa at anak gamit ang tali at tinakpan ng adhesive tape ang kanilang mga bibig bago tinangay ang tinatayang P4 milyon halaga ng alahas, P340,000 cash at P500,000 halaga ng mahahalagang kagamitan na may kabuuang halos P4.8 milyon.

Matapos makuha ang mga ari-arian, tumakas ang mga suspek sakay ng Fortuner na hindi naplakahan.

Hindi pa malinaw kung paano nakatakas ang mga biktima sa pagkakagapos. Nagsasagawa ng backtracking sa CCTV footage ang pulisya upang matukoy ang ruta at pagkakakilanlan ng mga suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

6

Related posts

Leave a Comment