Hangad ng POC, mas maraming atletang Pinoy sa 2021 Olympics

SALA SA INIT, SALA SA LAMIG
Ni EDDIE ALINEA

NANGAKO ang nahalal na pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), Cong. Abraham “Bambol” Tolentino na ituloy ang matagumpay na kampanya ng Pilipinas, na pangkalahatang nag-kampeon sa 30th Southeast Asian Games na idinaos dito sa bansa noong nakaraang taon.

Si Tolentino, pangulo rin ng Philippine Cycling Federation, ay nabigyan ng apat na taong panunungkulan sa katatapos lang na eleksiyon ng POC. Bago ito, halos dalawang taon niyang pinamahalaan ang pinakamataas na ­posisyon sa organisasyon kapalit ng nagbitiw na si Ricky Vargas ng boxing.

Una sa agenda ng bagong pamunuan, ayon kay Tolentino sa pakikipag-usap sa SAKSI ­NGAYON, ay ang paghahanda ng mga atleta na nakatakdang lumahok sa ipinagpalibang XXXII Games of the Olympiad sa Tokyo sa 2021. Ganoon din ang 31st SEA Games na nakatakda rin sa susunod na taon sa Hanoi, Vietnam.

“We’ve accomplished so much in our first term, kaya ang plano ng bagong board ay makagawa pa ng mas marami pa sa susunod na apat na taon ng ating panunungkulan,” pangako ng miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso mula Cavite.

“Sana ay makapagpadala tayo sa Tokyo ng biggest but quality delegation in the history of our participation in terms of the number of athletes,” dugtong niya.

Apat na ang qualifiers sa next year’s Summer Games. Sina Eumir Marcial at Irish Magno sa boxing, pole vaulter Ernest John Obiena at world champion gymnast Carlos Yulo.

“It looks like we don’t have any problem preparing Marcial, ­Obiena and Yulo since all of them are currently undergoing build up overseas,” dagdag ni Tolentino. “What we’re concerned about is Magno na hanggang ngayon ay nasa probinsya pa, training on her own through the internet.”

“Si Ms. Magno ang kauna–unahang babaeng boksingerong ipadadala natin sa Olimpiyada. Samakatuwid, makasaysayan ang kanyang partisipasyon para sa bansa kaya kinakailangan din ­nating matulungan,” anang pangulo ng POC.

Marami pang Pilipinong atleta ang umaasang makakalusot sa iba’t ibang Olympic qualifiers na nakatakda sa unang bahagi ng susunod na taon, at lahat sila ay nangangailangan ng tulong pinansiyal at kung ano-ano pa.

Binanggit ni Tolentino ang mga pangalan nina Rio Olympics silver medalist sa weightlifting Hidilyn Diaz, na kulang na lamang ng isang kompetisyon para makarating sa Tokyo. Golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan, na halos ay pasok na rin.

Kasama rin sa listahan ang mga teammate ni Marcial sa boksing na sina Carlo Paalam, Roden Ladon, Ian Clark Bautista, at ngayon ay pro nang si Charlie Suarez.

Si AIBA world featherweight titlist Nesthy Petecio, Riza Pasuit, na kapwa tangka ring makarating sa Tokyo subalit hanggang ngayon ay nagmumukmok sa kanilang lalawigan sa kawalan ng ensayo dala ng COVID-19 lockdown.

“Perhaps not every Filipino knows that besides Irish’s initial stint in the Olympics women’s boxing, marami pang historical moment ang naghihintay sa atin sa Tokyo,” wika ni Tolentino. “One of them, gaya nga ng inilabas ninyo sa SAKSI may ilang buwan na ang nakararaan, sa Tokyo rin nangyari nang ang Pilipinas ay nagpadala ng pinaka-maraming bilang ng pambansang delegasyon sa Olimpiyada,” aniya na ang tinutukoy ay ang 64 atletang kumatawan sa bansa noong 1964.

“I’m not saying that we could match that number, much more surpass it,” sabi ng POC prexy. “But to me, approximating that number is history in itself, will be recorded in the annals of the Games.”

“And least we forget, it was  in 1964 when we were gifted by ­Anthony Villanueva, also a fighter, with our first of only three silver ­medals in the Philippines’ 96-year participation in the once every four-year conclave,” paalaala niya. “Meaning the  more athletes we can send, the more chances we have to give our country its first Olympic gold.”

Pagdidiin ni Tolentino: “So, let us make this Games really memorable for us in terms of the history attached to it. Let’s give out athletes additional motivation by reminding them of our rich tradition they can exploit in handing the country not only its first Olympic gold, but maybe two, three, who knows.?”

Kasama rin sa kalendaryo ng 2021 ang paglahok ng Pilipinas sa 31st SEA Games, Asian Youth Games, at Asian Indoor Martial Arts Games.

293

Related posts

Leave a Comment