Nagdala ng kasiyahan sa mga magulang, mag-aral at guro ang isinagawang aktibidad ng media outlet na SAKSI NGAYON sa Kamuning Elementary School sa Scout Torillo St., Brgy. Sacred Heart. Diliman, Quezon City kahapon. Sa ikalawang pagkakataon ay namahagi muli ng kagalakan sa mga mag aaral ang nasabing aktibidad.
Tinawag na “HAPPY BTS” Back To School, Clean-Up Activity ng SAKSI NGAYON para sa pagbubukas ng klase ngayong taon. Ang Balik Eskwela project na ito ay sa pakikiisa ng Saksi Ngayon sa Programang OBE-Oplan Balik Eskwela ng DepEd.
Nakiisa naman ang mga bata, mga guro sa nasabing okasyon na bukod sa paglilinis ay namigay ng mga school supplies at iba pang items ang nasabing media outlets sa mga mag-aaral ng Kamuning Elem School.
Ang 200 school supplies na nakalagay sa loot bag ay nagmula sa SOGO Cares; snacks na biscuit at tubig mula sa SAKSI NGAYON; 200 sandals mula sa Duralite Sandals; food packs mula sa PingPing Lechon; Baby Cologne na mula sa Ever Bilena, Yakult drink; at Vitamin C mula sa Wert Philippines.
Kabilang sa sponsors na laging nakikibahagi ng mga aktibidad ng SAKSI NGAYON (Peryodiko Filipino Incorporated) ay ang Meralco, Maynilad, Yakult, Ever Bilena, Ms. Loribeth Bambo De Vera, Wert Philippines (Nutri10Teens), Aqua Sweet, Purified Drinking Water, Ping Ping Lechon, Duralite Sandals at Enchanted Kingdom.
Ilan sa mga kumpanyang ito ay naglagay ng kani-kanilang tarpaulin at namigay ng kanilang mga produkto habang isinasagawa ang “HAPPY BTS – Back To School”, SCHOOL CLEAN-UP ACTIVITY ng SAKSI NGAYON.
Sa tulong at pagmamahal ng mga opisyal ng Barangay Sacred Heart sa SAKSI NGAYON ay naging maayos ang naturang aktibidad para sa mga kabataan mag-aaral ng nasabing paaralan.
Naging katuwang ng “HAPPY BTS”, Back To School, Clean-Up Activity ng SAKSI NGAYON ang SOGO CARES na namahagi ng 200 loot bags na may lamang mga school supplies.
Pinasalamatan naman ng SAKSI NGAYON management ang mga nakiisa sa aktibidad tulad ng sponsors na laging bukas tumulong, officials ng Brgy. Sacred Heart, guro, principal, mag-aaral at mga magulang kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging matagumpay ang programa. Bilang isa pa rin sa pasasalamat nagbigay ang pamunuan ng Saksi Ngayon ng sertipiko sa mga nakiisa.
Kaugnay nito, nangako ang SAKSI NGAYON na lalo pang dadami ang mga ganitong aktibidad na pagtulong sa mga mag-aaral hindi lang sa Quezon City kundi maging sa ibat-ibang lugar ng bansa sa pamamagitan ng tulong ng mga sponsors at mga Pilipino.
(Joel O. Amongo)
