HARASSMENT SA TUCP OFFICE PINAIIMBESTIGAHAN

INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Police Gen. Guillermo Eleazar sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Quezon City Police District (QCPD) na imbestigahan ang umano’y pagpasok at pangha-harass ng mga pulis sa compound ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Diliman, Quezon City noong Martes, Nobyembre 2.

Una nang kinondena ni TUCP Party-list Rep. Raymond Mendoza ang insidente. Aniya pinasok ng mga pulis nang walang permiso at walang search warrant ang kanilang tanggapan.

“These acts of intimidation did not happen only today. There have been 5 occasions that police in uniform and civilian clothes intruded into TUCP offices to check on TUCP staff and visitors, survey on union activities, and take photos, also, this has happened in our branch offices in Mindanao, ” ayon pa kay Rep. Mendoza.

Binanggit pa ni Rep. Mendoza na ang pagpasok ng mga pulis sa TUCP compound ay direct assault sa Constitutional rights ng mga manggagawa at paglabag sa ILO Conventions 87 at 98 na niratipikahan ng Philippine Government, na kailangang sundin.

Kinunan umano ng larawan ng mga pulis ang kanilang daily attendance list at in-interrogate ang kanilang staff.

“I have tasked the Criminal Investigation and Detection Group and the Quezon City Police District to look into the allegation against our personnel. Kailangang matukoy ang mga personnel na nagtungo sa opisina ng TUCP at pagpaliwanagin natin sila kung ano ba ang dahilan ng kanilang pagpunta doon,” pahayag ni Eleazar. (JOEL O. AMONGO)

189

Related posts

Leave a Comment