HAZARD PAY NG FRONTLINERS PINARI-RELEASE NA NG PALASYO

PINAHINTULUTAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng hazard duty pay at special risk allowance sa mga health worker na nasa  frontlines sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Administrative Order 35, ang national government agencies, state-run corporations at local government units ay pinahihintulutan na magkaloob ng active hazard duty pay ng hanggang P3,000 kada buwan para sa mga frontline human resources for health (HRHs) at dapat na  exempted ito sa income tax.

Sa AO 36 ng pangulo ay pinapayagan ang pagpapalabas ng special risk allowance na hindi lalagpas ng P5,000 kada buwan sa  public at private health workers na direktang nag-aasikaso o may direktang contact sa mga COVID-19 patient sa panahon ng state of national emergency.

Ang lahat ng claims para sa  payment ng special risk allowance ay iba-validate ng Department of Health at Department of Budget and Management.

“The grant of COVID-19 active hazard duty pay and special risk allowance will be pro-rated based on the number of days the health worker physically reports for work in a month, reckoned from September 15, 2020 until December 19, 2020,” ayon sa ulat.

Hindi naman kasama sa makatatanggap ng karagdagang bayad ang mga consultant at experts, mga manggagawa na nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng  job contracts at iyong mga

binabayaran sa tinatawag na piecework basis, student workers at apprentices, at maging mga  indibidwal at grupo na ang serbisyo ay may kinalaman sa contract of service o job order, kabilang na ang mga barangay health worker na itinalaga sa mga ospital, laboratoryo, o medical at quarantine facilities. (CHRISTIAN DALE)

94

Related posts

Leave a Comment