HEALTH CENTER SA BASECO GAGAWING GENERAL HOSPITAL

MAY 100,000 residente ng Baseco Compound sa Port Area, Manila ang makikinabang sa sandaling maging fully operational bilang general hospital ang President Corazon C. Aquino Health Center.

Nitong Lunes, pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang ground breaking ng itatayong ospital na pinaglaanan ng P110 milyon pondo. Ito rin ang ikawalong ospital na magkakaloob ng libreng serbisyo sa Maynila.

Tatawagin itong President Corazon C. Aquino General Hospital bilang pag-alala at paggalang sa dating pangulo at kay dating Manila Mayor Alfredo Lim. (RENE CRISOSTOMO)

428

Related posts

Leave a Comment