BATANGAS – Patay ang hepe ng pulisya ng bayan ng Lian matapos na ang minamaneho nitong SUV ay sumalpok sa isang ten wheeler truck sa national highway sa Barangay Tulo, sa bayan ng Taal noong Martes ng madaling araw.
Ayon sa Taal Police, idineklarang dead on arrival sa Batangas
Provincial Hospital sa bayan ng Lemery si P/Maj. Amiel Bernardo Sanhi, residente ng Barangay Calicanto, Batangas City, dahil sa grabeng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng ulo at katawan.
Batay sa report, dakong alas-12:50 ng madaling araw nang mangyari ang insidente, tinangka nitong mag-overtake sa sinusundang 10 wheeler truck ngunit biglang may bumulagang sasakyan sa kasalubong na linya.
Dahil dtto, pinilit ng biktima na pumasok sa kanilang linya subali’t sumabit ito sa tagiliran ng ten wheeler. Nawasak ang SUV ng biktima matapos na makaladkad pa ito ng truck.
Nasa kustodiya na ng Taal Police Station ang 29-anyos na driver truck na si Salvador Segfred, residente ng bayan ng Lemery. (NILOU DEL CARMEN)
224 