HIGIT 3M MINORS BAKUNADO NA

MAHIGIT tatlong milyong kabataan na may edad 12 hanggang 17 ang bakunado na laban sa COVID-19.

“I am very pleased to know that we have already vaccinated more than three million minors aged 12 to 17 as of today (Martes). Marami yan, three million,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People.

Ang pagbabakuna sa lahat ng menor de edad o 12-17 ay sinimulan noong Nobyembre 3, 2021 sa National Capital Region habang ang nationwide implementation ay noong Nob. 5.

Sa kabilang dako, sa Enero 2022 posibleng makumpleto ang pagbabakuna sa mga edad 12-17, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa panayam sa kalihim, sinabi nito: “Kung 100% ng 12.7 million [minors], baka ‘yan ay umabot ng Enero, first quarter ng 2022.”

Tinatarget aniya ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 80% ng nasabing age group sa pagtatapos ng Disyembre, base sa unang pahayag ng National Task Force.

Samantala, nakatanggap naman ang Pilipinas ng kabuuang 134.4 milyong COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang manufacturers.
Iniulat din ng Pangulo na may 76.5 milyong vaccine doses ang naiturok.

“Of this number, 41.9 million have [been given as] the first dose or more than 33.5 million are given second dose and single-dose shots,” ayon sa Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

139

Related posts

Leave a Comment