HIGIT 500 BATA IPINASYAL SA KAARAWAN NG PASAY MAYOR

MAHIGIT limangdaang kabataan at kanilang magulang ang ipinasyal ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-65 kaarawan ngayong August 16.

Sa panayam sinabi ng alkalde na taon-taon niyang ginagawa simula nang siya ay konsehal ng Pasay na pinapasyal ang mga bata sa isang kilalang Amusement park sa lungsod at binibigyan din ng mga regalong laruan upang mas maging masaya ang mga bata.

Nagsasagawa rin ng ibat ibang programa ang alkalde tulad ng medical at dental mission, livelihood training, at nagbibigay ng pambili ng mga kagamitan para sa mga bata sa kanilang edukasyon.

(Danny Bacolod)

87

Related posts

Leave a Comment