(NI ABBY MENDOZA)
NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na maliit na porsiyento lamang ng mga baboy ang naapektuhan ng virus na African Swine Fever subalit umabot sa 20,000 kabuuang baboy ang pinatay dahil na rin sa nasa loob ito ng 1 kilometer radius kaya’t nadamay.
Ang paglilinaw ay ginawa ng DA sa harap na rin ng mataas na bilang ng baboy na kinailangan nilang ilibing.
Sinabi ni DA Spokesperson Noel Reyes, kung tutuusin ay maliit lamang na porsiyento ang tinamaan ng ASF ngunit para hindi na ito kumalat pa sa iba na mas mahirap kontrolin ay nagsasagawa ng preventive measure. Ito umano ay ang pagpatay na rin sa iba pang baboy na nasa one kilometer radius.
“Culling the pigs, whether infected or not, within the one-kilometer radius of suspected farms is necessary to contain the ASF virus from spreading.Yun po ang protocol, 1-7-10 protocol. Within one kilometer, may sakit o wala, kailangan patayin para ang virus ma-contain,” paliwanag ni Reyes.
Ani Reyes, hindi dapat maalarma ang publiko na kalat na ang ASF dahil ang katotohanan ay maliit na porsiyento lamang ang nagpositibo sa ASF.
“The 20,000 pigs that so far have been culled or have died because of the disease in the Philippines since last month was a small fraction of the Philippines’ swine herd that was estimated at 12.7 million heads as of July 1″dagdag pa ng DA.
Hindi umano dapat katakutan ng publiko ang ASF dahil hindi naman ito naisasalin sa tao.
