HIGIT 90% NG NAMATAY SA COVID-19 HINDI BAKUNADO

ABOT sa 93.49 porsyento ng mga namatay sa COVID-19 mula Marso hanggang ngayong Nobyembre ay pawang hindi pa nakatatanggap ng bakuna laban sa virus, ayon sa Department of Health.
Sa ulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa 216,074 na ipinasok sa mga ospital mula Marso 1 hanggang Nobyembre 14, 86 porsyento ang bakunado na.

Ngunit sa mga namatay ay nasa 93.49 porsyento ang hindi pa nababakunahan.

Sinabi pa nito na 2.6 beses na mas malaki ang tsansa na masawi ang isang taong hindi pa bakunado kung tatamaan ng COVID-19 habang nasa 1.75 beses na maaaring umabot sa ‘severe’ at kritikal ang kanilang kondisyon.

Unang inihayag ni Vergeire na nag-uumpisa nang pumatag ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Sa kabila nito, hindi pa rin umano dapat magpakampante dahil nakatutukoy pa sila ng minsanang pagtaas sa bilang ng mga arawang kaso.

“Ito pong mga namamatay ay hindi lamang po nangyari ngayong Nobyembre. Ito po ay mga bina-validate kasi ng local governments at saka sinusumite sa national government,” ayon pa rito. (RENE CRISOSTOMO)

202

Related posts

Leave a Comment