HINAING NG MGA TAGA-LUPANG ARENDA SA RIZAL DININIG NI SEN. MARCOS

RIZAL – Nakipagpulong si Senadora Imee Marcos sa mahigit 200 kinatawan ng 24 homeowners associations mula sa Lupang Arenda, Taytay, upang talakayin ang matagal nang panawagan ng mga residente para sa maayos, ligtas, at legal na paninirahan.

Sa isinagawang dayalogo noong Lunes, Abril 21, kinilala ng senadora ang tatlong dekadang pakikibaka ng mga residente para sa karapatang manirahan sa lugar, at binigyang-diin ang kanyang pagsusulong ng Senate Resolution No. 900 na naglalayong imbestigahan ang patuloy na pagkaantala sa proklamasyon ng Lupang Arenda bilang social housing site.

“Panahon na para sa malinaw na aksyon. Tama na ang 30 taon!” giit ni Marcos, sabay hamon sa mga ahensyang hindi pa rin nagsusumite ng kanilang assessment na kinakailangan para maisulong ang proklamasyon.

Nagpahayag din siya ng suporta sa APOLA at tiniyak na patuloy ang kanyang opisina sa pagtutulak ng makatarungang solusyon para sa mga pamilyang apektado. “Hindi ito simpleng isyu ng pabahay — ito ay isyu ng katarungan, malasakit, at pagkilala sa pangarap ng bawat pamilyang Pilipino,” pagtatapos ng senadora.

(Danny Bacolod)

32

Related posts

Leave a Comment