UPANG ipakita ang kanilang interoperability at fire power, palulubugin ang isang decommissioned Philippine Navy Corvette sa dagat sakop ng West Philippine Sea, sa gaganaping Maritime Strike na bahagi ng RP-US Balikatan 2025 joint war exercise para sa taong ito.
Sa ipinamahaging information kit ng Armed Forces of the Philippines, target ng isasagawang Maritime live fire exercise ang World War II corvette, ang ex-BRP Miguel Malvar (PS-19) na kanilang palulubugin.
Layunin nito na ipakita ang kahalagahan ng team effort ng dalawang magka-alyadong bansa sa pagtatanggol sa soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga makabagong sandata na gagamitin sa gaganaping MARSTRIKE kung saan target ng pinagsanib na pwersa ng U.S. at Philippine Armed Forces ang decommissioned Navy ship.
Ang dating BRP Miguel Malvar ay originally USS Brattleboro (PCER-852) isang rescue patrol craft na dating gamit ng US Navy, at inilipat sa Pilipinas noong 1976.
Bago ito ibinigay sa Philippine Navy (PN), nagsilbi muna ito sa Republic of Vietnam Navy, mula 1966.
Ayon kay “Balikatan” assistant exercise director and spokesperson Brig. Gen. Michael Logico, ang lumang barkong pandigma ng Philippine Navy ay palulubugin gamit ang Filipino and American assets na naka-deploy na para sa gaganaping exercise.
Kabilang sa mga posibleng gamitin sa pagpapalubog ng barko ng Philippine Navy, World War II corvette, ang Philippine Air Force FA-50PH fighter jets at US military’s F-16s and F-35s, o kaya ay F-18s, ani Brig. Gen Logico.
Kabilang sa mga posibleng asset na ihahanda para sa nasabing sinking exercise ang PN ships equipped with the LIG Nex 1 C-Star sea skimming surface-to-surface anti-ship cruise missile system.
“Gagamitin natin ang C-Star (We will be using the C-Star),” ani Logico. Ang MARSTRIKE ay sinasabing posibleng ganapin sa karagatang sakop ng Naval Education Training Command sa darating na Mayo 5, 2025 sa San Antonio, Zambales.
Magugunitang noong Mayo 8, 2024, pinalubog ng missile frigate BRP Jose Rizal ex-PN tanker ang BRP Lake Caliraya, gamit ang kanilang C-Star anti-ship cruise missile system sa lugar saklaw ng Laoag City, Ilocos Norte noong nakalipas na “Balikatan” exercise 2024.
(JESSE KABEL RUIZ)
