Hindi ibibigay nang libre BAKUNA NG RUSSIA, CHINA UUTANGIN NI DUTERTE

HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kausapin sina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping para hilingin na bigyan ng credit ang Pilipinas sakali at maging mahal ang presyo ng gamot na pambakuna laban sa COVID-19.

“Bibilhin natin ‘yan. Kaya lang kung mahal, if it is quite expensive then I will ask the — my friend President Putin and President Xi Jinping to give us a credit, parang utang, a credit line but we will pay not in one payment but by installments. Basta ang sinasabi ko magbayad tayo. Hindi ito libre,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi, Agosto 17.

Nauna rito, pinasalamatan ng Pangulo sina President Putin at President Xi Jinping, para sa alok ng mga ito na bigyan ng vaccine ang Pilipinas sa oras na maging posible na ang distribusyon nito sa publiko.

” I cannot overemphasize my debt of gratitude. But remember that this is not for free for after all they did not develop the vaccine without great expense and also the human effort involved,” aniya
pa rin.

Gaya aniya ng palagi niyang sinasabi sa mga ito, handa ang Pilipinas na bumili ng bakuna subalit kapag kinapos ang bansa sa pera dahil sa nararanasan ng lahat ng bansa na economic hemorrhage
ay hindi aniya siya mangingimi na kausapin ang mga ito.

“It is uncontrollable because people cannot really work. They cannot be productive. And so you have a problem at hand,” ani Pangulong Duterte. (CHRISTIAN DALE)

132

Related posts

Leave a Comment