HINDI NAGPAPAKATOTOO ANG CHINA

DPA

Kahit anong pagsisikap ng mundo laban sa ­coronavirus 2019, kung hindi magpapakatotoo ang China na siyang pinanggalingan ng salot na ito, ay wala talagang mangyayari.

Parami nang ­parami ang mga ‘smuggle ­information’ na ­nakakarating sa ­‘international media’ ­hinggil sa totoong nangyari at ­kasalukuyang ­sitwasyon sa Wuhan, China na pilit itinatago ng Beijing dahil kontrolado nila ang kanilang media.

Maraming ­impormasyon na noong Enero pa lamang ay 24,000 na ang namatay sa Wuhan, China kaya nga nila ni-lockdown ang 11 ­milyong katao na nakatira sa Wuhan dahil hindi na makontrol ang salot.

Alam ng mamamayan nila na hindi biro ang salot kaya marami ang nagtakasan at umalis sa­ ­Wuhan at pumunta sa iba’t ibang panig ng mundo kasama na ang Pilipinas.

Nagpabida pa ang ­China na naglabas ng mga video at mga larawan na kesyo ­nakontrol nila ang ­COVID-19 kaya ­inalis na raw ang ­lockdown, binuksan na ang ­transportasyon, binuksan na ang malls at naglabasan ang mga tao, matapos ang dalawang buwang lockdown.

Pero ang ayaw nilang ilabas ay ang mga video at mga larawan ng kanilang mga tao sa Hubei ­province na nakikipaglaban na sa mga otoridad dahil ayaw silang palabasin at ayaw sila tanggapin ng mga kalapit nilang ­probinsya. Kaya magtatanong ka, bakit ayaw nilang ­palabasin ang mga tao kung talagang ­nakontrol na nila ang salot na ito?

Ipinapalabas ng China ang namatay lang sa kanila ay 3,186 pero ­nagdeliber ng 5,000 urns sa Wuhan at may mga ulat din na 3,500 ang ­kine-cremate ng lahat ng mga funeral parlors kada araw kaya ­tinatayang 40,000 ang totoong namatay sa ­COVID-19 sa kanilang bansa.

Kilalang-kilala na ang China sa pang-iipit sa impormasyon dahil ­kontrolado nila ang media at  ayaw  nilang mapahiya sa mundo at ­pinoproteksyunan nila ang kanilang imahe dahil sa kanilang ambisyon na ­maging ­number one sa mundo.

Itinago nila ang ­impormasyon hinggil sa salot na ito subalit noong ­Nobyembre 2019 pa lamang ay nanalanta na sa 11 ­milyong mamamayan sa Wuhan City na naging dahilan para magtakasan ang mga mamamayan nila ­papuntang ibang bansa kasama na ang Pilipinas.

Kung nagpatotoo lang ang China, baka nagtulong-tulong ang mundo na makontrol ang salot na ito sa Wuhan City pa lamang at hindi na lumaganap sa buong mundo kaso mas importante sa kanila ang kanilang imahe kaya  ang pinanindigan nila ay damay-damay na ito.

Ngayon, mahigit 3 ­bilyong tao sa mundo ang apektado bukod pa sa bagsak ang mga ­ekonomiya ng mga tinamaang bansa pero tila walang pakialam ang ­China dahil ang ­importante sa kanila ay kanilang imahe na ayaw nilang masira.

Kung patuloy na itinatago ng China ang katotohan, hindi masosolusyunan ang problemang ito at baka lalo lang lalala ang situwasyon (na huwag naman sanang mangyari).
May kasabihan nga tayo, the truth will set us free. Lord Kayo na po ang bahala.

326

Related posts

Leave a Comment