Hindi tinablan ng hiya, deputy speakers pumalo na sa 32 VELASCO MAHINANG SPEAKER

(BERNARD TAGUINOD)

LARAWAN ng kahinaan ng kanyang pamumuno sa mababang kapulungan ng Kongreso ang pagtatalaga ni House Speaker Lord Allan Velasco ng 32 deputy speakers.

Lubhang nababahala si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na guguho ang tiwala ng publiko sa Kapulungan dahil mula sa dating 22 ay pinalobo ni Velasco sa 32 ang deputy speakers sa kabila ng mga pagtutol ukol dito.

“It is important that we as the House of Representatives protect the Filipino people’s trust in us as their elected officials. However, Speaker Velasco’s leadership is causing distrust of the Congress among Filipinos. His recent move of naming 32 deputy speakers has been criticized,” ani Defensor.

Naibalik ang tiwala ng publiko sa Kamara noong panahon ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa mataas na trust rating na nakuha ng mga ito mula noong 14th Congress.

Gayunpaman, duda si Defensor na lulubog muli ang tiwala ng publiko sa Kamara dahil 10% sa 302 congressmen ay ginawang deputy speaker kahit binabatikos ito ng publiko.

Ang mga deputy speaker ay katuwang ng Speaker sa pagmamando sa mga mambabatas at dahil sa dami ng mga ito ay mistulang indikasyon ito na hindi kayang pamunuan ni Velasco ang 302 mambabatas.

“He also mishandled changing the chairmanship of the Public Accounts Committee by not even giving me proper notice, even when he had the opportunity to tell me while we were at a meeting together discussing investigations and bills lined up before the Committee,” ani Defensor.

Handa naman umano si Defensor na bitawan ang nasabing komite kung sinabihan siya ni Velasco na papalitan na ito subalit hindi ito ginawa ng House leader kahit nakapag-usap sila.

“I intimated this to Cong. (Bonito) Singson and many colleagues who all share my surprise at the Speaker’s actions. These actions show arrogance and unprofessionalism from Speaker Velasco and cause citizens to doubt his ability to lead the House at a time when we need unity,” ayon pa kay Defensor.

Pinasalamatan din ni Defensor si Singson na ipinalit sa kanya sa nasabing komite dahil sa papuri na tinanggap nito sa nasabing mambabatas.

209

Related posts

Leave a Comment