KUNG nais ng administrasyon makamit ang target na sapat at abot-kayang pagkain para sa lahat, higit na angkop ang pagtataguyod ng sa food terminal kada rehiyon.
Giit ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gamiting gabay ang programang isinulong kanyang namayapang ama, si dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr.
“President BBM can take his cue from his late father, former President Ferdinand Marcos Sr., who had, during his presidency, launched programs to rev up the supply chain such as the establishment of the Food Terminal Inc. (FTI) in Taguig City,” ani Villafuerte.
Ayon sa mambabatas, itinayo ni Marcos Sr., ang FTI bilang subsidiary ng National Food Authority (NFA) na ang nagsilbing warehousing at, processing at marketing ng mga pangunahing ani sa bansa.
Hirit pa ni Villafuerte, dapat magkaroon ng mas maraming kahalintulad na sasalo sa lahat ng ani ng mga magsasaka — palay, gulay prutas, isda at iba pang kailangan ng isang epektibong cold storage para hindi agad masira.
Kamakailan lang, muling nagviral sa social media ang mga larawan ng mga local agri-products na itinapon na lang sa basurahan dahil inabot ng pagkasira. Ang dahilan — di kinagat ng mga mamimiling mas piniling bumili ng mga inangkat na murang gulay mula Tsina.
Wala din anila silang pwedeng pag-imbakan tulad ng mga cold storage facilities na mayroon sa FTI noong panahon ni Marcos Sr.
Pangunahin sa agenda ni Marcos ay paunlarin ang sektor ng agrikultura kaya sa prayoridad ng kanyang administrasyon ang farm-to-market road (FMRs) na mahalaga sa mga magsasaka.
Bukod dito, nais ni Marcos na magkaroon ng government-to-government transaction sa usapin ng abono na inaangkat pa sa ibang bansa, upang maibaba ang presyo nito.
“It was only logical for the President to give paramount attention to agriculture, considering that there are 9.99 million people employed in the farm sectorβaccording to 2018 data of the Philippine Statistics Authority (PSA)βor almost a tenth of all Filipinos,” ayon pa kay Villafuerte.
Gayunpaman, hindi lang ang FMRs ang kanilangΒ iprayoridad aniya ng Pangulo kundi ang mga pasilidad tulad ng food terminals upang hindi masayang ang ani ng mga magsasaka.kapag dumami na ang ani. (BERNARD TAGUINOD)
214 