IA-TDO “ORION’S TAMING” EXERCISE 2026 SA SULU SINIMULAN NA

PORMAL nang sinimulan nitong Agosto 19, 2026 ang Inter-Agency Territorial Defense Operations (IA-TDO) “Orion’s Taming” Exercise 2026 sa lalawigan ng Sulu.

Bilang bahagi ng simuladong senaryo, inirekomenda ni Maj. Gen. Leonardo I. Peña, pinuno ng 11th Infantry “Alakdan” Division at Joint Task Force Orion, kay Hon. Abdusakur A. Tan II, Gobernador ng Lalawigan ng Sulu, ang pagpapasimula ng operasyon ng Sulu Joint Inter-Agency Coordinating Center (JIACC) at Emergency Operations Center (EOC), na agad namang idineklara ng gobernador bilang hudyat ng pagsisimula ng koordinadong inter-agency response.

Dumalo rin sa pagsisimula ng exercise si Hon. Abdusakur M. Tan, Bise Gobernador ng Lalawigan ng Sulu, bilang pagpapakita ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa sama-samang paghahanda at pagtugon ng mga kalahok na ahensya.

(JESSE RUIZ)

77

Related posts

Leave a Comment