HINDI inakala ng isang lalaki na ang kanyang paninigarilyo ay humantong sa kaso at siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest habang kumukuha ng police clearance sa Gen. Trias City, Cavite noong Martes ng umaga
Ayon sa ulat, bandang alas-1:45 ng umaga, nag-apply para sa police clearance si alyas “Rosalio” sa Gen. Trias Component City Police Station (CCPS) sa Brgy. Bagumbayan, Gen. Trias City, Cavite.
Subalit naberipika sa National Police Clearance System (NPCS) na may nakabinbing warrant of arrest si Rosalio sa kasong paglabag sa City/Municipal Ordinance, Omnibus Anti-Smoking/Vaping Ordinance, na inisyu ni Hon. Ma. Lorena L. Calo, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 60, Mandaluyong City, dahilan ng kanyang pagkaaresto.
Inirekomendang maglagak ng piyansang P2,000.00 si Rosalio para sa kanyang pansamantalang paglaya.
(SIGFRED ADSUARA)
73 