IKINATUWA ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang resulta ng preliminary examination ng International Criminal Court (ICC) na may basehan ang crime against humanity sa giyera ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra droga.
“We are vindicated,” ani Zarate kaugnay ng pahayag ng ICC na “there is a reasonable basis to believe that the crimes against humanity of murder, torture and the infliction of serious physical injury and mental harm as other inhumane Acts were committed on the territory of the Philippines”.
Nangyari umano ang krimen sa giyera ni Pangulong Duterte kontra ilegal na droga kung saan halos 6,000 ang napatay sa police operation habang base sa mga pribadong grupo ay umaabot sa 26,000 ang pinatay kasama na ang mga biktima ng extrajudicial killings.
Ayon naman kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares, isa sa mga abogado ng RISE UP sa kanilang inihaing reklamo sa ICC, ikinatuwa ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK ang resulta ng imbestigasyon ng nasabing korte.
“We are glad that the ICC prosecutor found credence to these complaints and the pieces of evidence that we have presented,” ani Colmenares at bagama’t matagal pa bago makamtam ang hustisya ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK ay magandang senyales aniya ito.
Ilang beses nang itinatanggi ni Duterte na may kinalaman siya sa mga EJK na nangyayari sa bansa subalit ayon sa dating mambabatas ay hindi umano makaiiwas ang pangulo rito dahil hindi lamang ang mga Pilipino ang nagmomonitor kundi ang international community.
“The Duterte administration may deny to high heavens that they are blatantly violating human rights but the international community is also closely watching and we hope that justice will be served soon,” ani Colmenares.
Nilinaw ng mga ito na hindi sila kontra sa kampanya laban sa ilegal na droga subalit halos lahat sa mga pinatay ay pinaghihinalaan lamang at walang basehan na sangkot ang mga ito illegal drug trade. (BERNARD TAGUINOD)
