ILANG LOCAL OFFICIALS NANUMPA NA SA HARAP NI GOVERNOR-ELECT DOKTORA HELEN TAN

NANUMPA na sa harap ni incoming Gov. Doktora Helen Tan ang ilang local officials na na­nalo sa nakalipas na May 9 polls sa lalawigan ng Quezon.

Nabatid na isinagawa ang oath-taking ceremony ng mga nahalal na opisyal sa bayan ng Macalelon nitong Hunyo 23.

Ang panunumpa ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan at maging ng mga hinirang na bagong alkalde at bise-alkalde ng macalelon, Mayor Artemio Mamburao at Vice Mayor Carmen Vidal, ay pinangunahan ni Gov. Tan.

Ayon sa nakalap nating impormasyon, bago raw ang panunumpa

ng mga opisyal, nagbigay ng mensahe si outgoing municipal Mayor Nelson Traje.

Sa kanyang mensahe, ipinaabot niya ang kanyang mainit na pagbati sa mga nahalal na local candidates.

Kung hindi ako nagkakamali, dumalo rin at nagbigay ng mensahe sina incoming 3rd District-Board Member John Joseph Aquivido at incoming 3rd District Rep. Reynante Arrogancia.
Maliban dito, nasa event din si Atty. Victor Gimenez, legal counsel ng Macalelon local slate, kung saan pormal na natapos ang seremonya sa pamamagitan ng kanyang pangwakas na pananalita.
Kung matatandaan, nanalo si Gov. Helen laban kay outgoing Gov. Danilo Suarez sa nakalipas na halalan.

Nasungkit ni Tan ang 790,739 votes na malayo sa nakuha ni ­Suarez na 320,395 votes.

Mahal ng mga taga-Quezon si Tan dahil sa dami ng mga ­programa at proyekto nito.

Kamakailan nga, binasbasan ang opisina ng parokya at bahay madre ng San Diego De Alcala Cathedral sa bayan ng Gumaca.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang proyekto ay pinasimulan ng 437th Patronal Fiesta Board of Directors na pinamumunuan nina Regional Director Ronnel Tan at Doktora Helen.
Sa pamamagitan ng panga­ngalap ng pondo katuwang ang ‘Serbisyong Tunay at Natural’ ay naisakatuparan ang proyekto.

Mismong si Doktora Helen ang nanguna sa seremonya sa pamamagitan ng ribbon-cutting kasama ang lokal na pamahalaan ng bayan.

Ang ginawang seremonya ay dinaluhan din ni Bishop Victor Ocampo, kasama ang ilang ­miyem­bro ng nasabing parokya.

Ayon kay Doktora Helen, “ang proyekto ay magiging malaking tulong upang mas makapaghatid ng maayos na serbisyo ang simbahan sa komunidad.”

“Kaya lubos na nagpapasalamat ang organisasyon sa mga donor at mga naging daluyan ng pagpapala upang matagumpay na maisakatuparan ang proyekto,” sabi pa ng bagong halal na gobernadora.
Mabuhay po kayo, Regional Director Ronnel Tan, Doktora ­Helen, at ang lahat ng mga opisyal at mga mamamayan ng Quezon!

298

Related posts

Leave a Comment