MAGKAKASUNOD ang naitalang paglindol ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa ilang lalawigan mula kahapon.
Ala-1:15 ng madaling araw ngayong Biyernes (April 3), nang yanigin ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 23 kilometers Northwest ng bayan ng Sipalay City.
May lalim na 14 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala namam ang instrumental intensity II sa Sipalay City, Negros Occidental.
Kasunod nito, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon pa rin sa ulat ng Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 155 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-3:22 kaninang madaling araw.
May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.
Pagkaraan, naramdaman naman ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Cauayan sa lalawigan pa rin ng Negros Occidental.
naitala ang pagyanig sa 21 kilometers Northwest ng Cauayan, alas-6:22 ngayong umaga.
May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Pagkaraan ay naramdaman ang magnitude 4.5 na lindol sa bayan ng Guian, Eastern Samar.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 91 kilometers Southeast ng naturang bayan ng Guiuan, alas-6:29 ngayong umaga.
May lalim na 20 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Kahapon, naitala ang magnitude 4.5 na lindol sa lungsod ng Sipalay sa Negros Occidental, Naramdaman ang lindol dakong alas-2:42 ng hapon sa layong 37 kilometro ng Sipalay City.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na walong kilometro.
Batay sa instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Sipalay City, Negros Occidental at Intensity II sa Bago City, Negros Occidental.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks sa magkakasunod na pagyanig. JG TUMBADO
169
