IMEE, KONTRA SA PAGBABA NG TARIPA SA IMPORTED NA BABOY

KINONTRA ni Senador Imee Marcos ang plano ng gobyerno na ibaba ang taripa sa imported na karne ng baboy upang dumami ang suplay nito sa bansa.

Sa paniniwala ni Marcos, mayayamang importer at hindi ang taumbayan ang makikinabang sa planong ito ng gobyerno.

Sinabi ni Marcos na kayang bayaran ng mga importer ang taripa hindi naman ito makaaapekto sa kanilang kita kaya’t hindi na nila kailangan ng dagdag na ayuda.

“Nagulat ako sa NEDA sinuportahan ang DA na mag-import uli. Bakit pa natin tutulungan at ibabagsak ang taripa akala ko ba naghahanap tayo ng pera para mabakunahan ang mga Pilipino,” diin ni Marcos.

Kinumpirma naman ng mambabatas na sumulat na sila kay Pangulong Rodrigo Duterte upang hilingin na huwag aprubahan ang pagpapababa ng taripa.

“Ang totoo nag-love letter na kami kay presidente. Kami ni Senator Cynthia Villar. Hindi na namin matiis kasi hearing nang hearing wa epek sa DA kaya sumulat na kami na humihiling na tulungan ang local hog raisers. Hindi natin tinututulan ang import pero wag na ibagsak taripa,” diin pa ni Marcos. (DANG SAMSON-GARCIA)

140

Related posts

Leave a Comment