IMPEACHMENT TRIAL TULOY SA PAGBABALIK-SESYON NG SENADO

BALIK-SESYON na ang Senado ngayong Lunes matapos ang isang buwang recess, kasabay ng pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Inaasahang sisimulan na rin ng mga senador sa plenaryo ang pagtalakay sa panukalang P7.2-trillion national budget para sa 2027.

Samantala, sa impeachment trial, nakatakdang simulan ng defense panel ang paglalahad ng mga ebidensya at testimonya bilang bahagi ng paglilitis sa Bise Presidente.

Una nang inilatag ni Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang iskedyul ng mga pagdinig, kabilang ang full-day hearings mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-6:30 ng gabi sa Nobyembre 10, 12, 13, 19 at 20.

Suspendido naman ang impeachment trial ngayong Lunes upang bigyang-daan ang plenary session ng Senado sa alas-3:00 ng hapon, gayundin sa Nobyembre 11.

Mas maikli ang pagdinig sa Nobyembre 23 upang bigyang-daan ang mga deliberasyon sa panukalang pambansang budget.

Batay sa inilatag na iskedyul, target na maaprubahan sa ikalawang pagbasa ang budget bill sa Disyembre 3 at sa ikatlo at huling pagbasa sa Disyembre 7.

Susundan ito ng bicameral conference committee deliberations mula Disyembre 10 hanggang 12, paglagda sa bicameral conference committee report sa Disyembre 21 at ratipikasyon nito sa Disyembre 22.

(DANG SAMSON-GARCIA)

17

Related posts

Leave a Comment