IMPORTANSYA NG MALINAW NA MENSAHE

NGAYONG mas lumilinaw na ang mga kaganapan sa eleksyon, marami sa mga nagmamatyag ang tila nag-iisip, sino ba ang karapat-dapat sa halalan 2022, maging ito man ay bilang pangulo, pangalawang pangulo, senador, congressman, mayor at iba pa. Subalit sa aking pakiwari ang importante ay mayroong malinaw at matatag na mensahe o message ang mga lalahok sa halalan.

Isa ang Partido Federal ng Pilipinas sa aking nakikita ang may ganitong uri ng istratehiya. Ang kanilang mga binibitiwang salita sa pamamagitan ni Atty. Vic Rodriguez ay walang bahid ng maanghang na diskurso at bagkus ay pawang plataporma lamang at plano ng partido gayundin ng kanilang standard bearer na si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos o mas kilala bilang BBM.

Sa panahon na naglipana ang negative at toxic exchanges ‘ika nga, isang welcome relief sa mga nagmamatyag na wala munang batuhan ng putik, insultuhan at negative ­messaging, ­pagkat sa totoo lang sa ­aking pananaw, pagod na ang mamamayan sa ­ganitong uri ng negative at toxic ­campaigning. Ang gustong malaman ng mga tao, ano ba ang plano at gagawin ‘pag naluklok na sa pwesto?

Paano pauunlarin ang bansa at ano rin ang hangarin para paunlarin ang kalakalan at negosyo. Paano haharapin ang krisis na dulot ng COVID at ano ang aasahan ng ­sambayanan sa susunod na anim na taon.

‘Pag nababasa ko ang mga binibitiwang salita ni Atty. Vic at ng Partido nila, mas nabibigyang linaw ang usaping bayan. Nawa’y ang ganitong uri ng developmental communication ang pairalin para lalong mas maintindihan ng mamamayan ang mga plataporma nang sa gayon ay mabigyan ang mga botante ng gabay kung sino nga ba ang nararapat ihalal sa araw ng halalan.

‘Di natin alintana kung gaano ka-kritikal ang ­susunod na eleksyon pagkat nanggaling tayo sa hagupit ng pandemya kaya dapat lang kilatising mabuti kung sino ang mga makakatulong sa bayan at nang sa gayon ay mas mabilis tayong ­makabangong muli pagkat tama lamang na tayo ay magkaroon ng pag-asa na babangon muli ang bayan.

483

Related posts

Leave a Comment