INAASAHANG PROPOSAL NI DENNIS KAY JENNELYN ‘DI NANGYARI

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Congratulations sa magkasintahang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa napaka-successful na Co Love Live Concert nila na ginanap sa New Frontier Theater noong nakaraang Sabado, February 15.

Kahit punung-puno rin ang katapat na Araneta Coliseum na kung saan doon naman ginanap ang Unified Concert nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo, hindi rin sila nagpatalbog dahil dito napatunayang may paying fans din ang magkasintahan at nag-enjoy sila sa naturang concert.

Inaasahan ng fans na magpu-propose na doon si Dennis, pero sure si Jennylyn na hindi mangyayari iyun dahil nakasaad sa kontratang pinirmahan sa GMA 7 na hindi muna siya puwedeng magpakasal.

Wala pa naman daw sa plano nila ito, pero napapag-usapan na naman daw nila.

SEE: Marami ang nakapansin sa paru-parong lumilipad sa harap ng stage ng New Frontier habang nagpi-perform sina Dennis at Jennylyn.

Sabi ni Jennylyn nang binanggit ko sa kanya, “Si Mommy Lydia yun!”

Si Mommy Lydia ang adoptive mother ng Kapuso Ultimate Star na nag-alaga sa kanya nang husto.

Pumanaw na si Mommy Lydia noong 2016 na dinamdam nang husto ni Jennylyn.

Tiyak sobrang happy daw si Mommy Lydia sa success ng Co Love Live Concert na prinodyus ng magkasintahang Dennis at Jennylyn.

BLIND BALLADEER CARL MALONE MONTECILLO, GUEST SA THE ELLEN DEGENERES SHOW

SWAK: Marami ang tumutok sa guesting ng nag-trending na Blind Balladeer ng Bacolod na si Carl Malone Montecillo sa All-Out Sundays noong nakaraang Linggo, February 16.

Si Carl ay sumali rin dati sa The Clash Season 2 pero hindi siya napasama sa finalists.

Ngayon ay nag-back-up na sa kanya ang ilang finalists at winner ng The Clash na si Jeremiah Tiangco, kasama ang iba pang taga-The Clash at hosts na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, Rita Daniela, at ang judge na si Christian Bautista.

Pagkatapos nito ay nakatakda nang lumipad si Carl pa-Amerika para mag-guest kay Ellen de Generes.

VICE GANDA NATENSYON KAY ANNABELE RAMA

SEE: Namasa raw ang kili-kili ni Vice Ganda sa sobrang tensyon nang mag-guest sa kanya si Tita Annabelle Rama sa ‘Gandang Gabi Vice’ noong nakaraang Linggo.

Deretsahan siyang sinabihan ni Tita Annabelle na huwag basta-basta maniwala sa panunuyo ng mga lalaking mas bata sa kanya.

Makuha lang daw ang pera niya at mapakinabangan, tiyak na iiwan din daw siya.

Naloka si Vice at hindi na humirit.

Sinabi na lang niya kay Tita Annabelle na matatapos na ang GGV niya at papalitan na ito ng kantahan na ‘Everybody Sing’.

“Hindi naman ako makakanta dong!” sabi ni Tita Annabelle, na ibig sabihin hindi na siya makaka-guest at mapapagsabihan si Vice Ganda nang harap-harapan.

 

260

Related posts

Leave a Comment