IKINAALARMA ng Provincial Health Office (PHO) sa lalawigan ng Batangas ang pagkamatay ng 42 indibidwal na nabakunahan ng kanilang una at ikalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 infection.
Ito ang naibunyag ng isang health officer ng lalawigan na kasapi ng provincial Inter-Agency Task Force (IATF), kung saan walo sa sampung nasawi ay nakatanggap ng kanilang unang dose habang ang dalawa ay fully-vaccinated na.
Nabatid sa report na ang pangyayari ay nakatakdang imbestigahan ng local-IATF kabilang na ang nasa 32 iba pang mga residenteng fully-vaccinated na namatay dahil sa pagkakaturok sa kanila ng anti-COVID vaccines.
Pero hindi naman nilinaw sa report ng PHO-Batangas kung anong brand ang naiturok sa mga nasawi na ngayon ay kabilang sa iimbestigahan.
Ang lalawigan ng Batangas ay bahagi sa rehiyon ng Calabarzon sa labas ng Metro Manila na ayon sa Department of Health (DOH) ay nakakaranas na ng community transmission ng nakakahawang Delta variant ng Covid-19.
Iginigiit ng provincial health officer na kinakailangan makakuha ang mga awtoridad ng datos sa dahilan sa pagkasawi ng 42 residente na marami na ang fully vaccinated na habang ang natira ay nakatanggap na ng kanilang unang dose. (CYRILL QUILO)
301 