374 REAMS NG IBA’T IBANG YOSI NASABAT NG BOC-GEN. SANTOS

MATAGUMPAY na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of Ge­neral Santos, ang 374 reams ng iba’t ibang yosi na tinatayang umabot ng P187,000 ang halaga, sa Purok 6, Brgy. Bangsi, Poblacion, Columbio, Sultan Kudarat kamakailan.

Ang operasyon ay isinagawa sa malapit na koordinasyon sa Bureau’s Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) and Enforcement Security Service (ESS), sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sultan Kudarat Provincial Field Unit, Columbio Municipal Police Station, Sultan Kudarat Provincial Intelligence Unit (SK-PIU), at Sultan Kudarat Provincial Highway Patrol Team – Highway Patrol Group (SK PHPT-HPG).

Ang nasabing items ay kinumpiska sa entrapment operation na isinagawa sa ilalim ng CIDG’s Flagship Project, “Oplan Mega Shopper,” na ang layunin ay labanan ang ‘smuggling, manufacturing, distribution, and trading of counterfeit products.’

Kasunod nito, inirekomenda ang pag-iisyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) order para sa pagkumpiska ng nasabing items.

Samantala, inihahanda na ang kaukulang kasong kriminal na isasampa sa korte laban sa kinilalang mga responsable sa insidente.

Ang Port of Davao at kanilang Sub-Ports ay nangako na paiigtingin pa ang kanilang kampanya laban sa illegal importation ng mga kalakal sa bansa.

Ang pagsisikap na ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng kanilang partner regulatory and enforcement agencies, na nakalinya sa priority programs ni Commissioner Bienvenido Rubio.

Layunin ng mga prog­ramang ito na itaas ang BOC’s revenue collection, border protection, and trade facilitation sa international standards.

(JOEL O. AMONGO)

163

Related posts

Leave a Comment