BABALA NG BOC VS. OIL COMPANIES: PARUSA SA SUSUWAY SA FUEL MARKING

FUEL MARKINGS

PAPATAWAN ng nararapat  na kaparusahan ang sinumang  kompanya ng langis sa bansa na hindi sumailalim sa fuel marking ng kanilang produktong petrolyo.

Ito ang babala  ng Bureau of Customs (BOC) kasabay ng pagsasabing bukod sa parusang multa, kukumpiskahin pabor sa gobyerno ang kanilang mga produkto.

Ang babala ay kasabay  ng itinulak na mabilisang marking ng BOC  sa ‘petroleum products stored, transported and peddled’ sa field testing phase ng nasabing fuel marking  program.

Nitong katapusan ng Oktubre, isinagawa ang unang fuel marking activity sa Insular Oil Corporation na matatagpuan sa Subic, Zambales bilang implementasyon ng programa para sa patuloy na paggulong nito sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng pagsimula ng marking activities sa petroleum products ng Seaoil Philippines, Inc. at Unioil Petroleum Philippines, Inc. sa Batangas at Bataan.

Tinatayang aabot ng 8.2 million liters ng Mogas Ron 92 gasoline na nakasakay sa MT Grand Ace 11 mula sa Guangdong, China ang minarkahan sa Fuel Terminal Facility ng Pure Petroleum Corporation sa Subic ng pinagsamang team ng Department of Finance (DOF), BOC, at iba pa.

Ang marking ng petroleum products ay isinagawa ng karagdagang official marker sa loob ng storage tanks na kung saan ang petroleum products nakalagay.

Samantala ang iba pang industry players ay inaasahang magsisimula ang kanilang marking sa kani-kanilang produktong petrolyo sa lalong madaling panahon na  dapat nilang  maipatupad sa  ‘washout period’ sa Enero 2020.

Ang nationwide testing sa mga produktong petrolyo sa retail side maging ang enforcement actions ay mahigpit na ipatutupad simula sa Pebrero 3, 2020.

Kaugnay nito, ang BOC ay nakikipag-ugnayan na sa  oil companies sa bansa upang mapabilis ang marking ng mga produktong petrolyo bago pa man maibenta sa merkado ang mga ito.        (Joel O. Amongo)

155

Related posts

Leave a Comment