BILYONG HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NASABAT NG BOC

BOC-DRUGS

Umabot na sa bilyun-bilyong pisong halaga ng iba’t ibang illegal drugs ang nasabat ng Bureau of Cus-toms (BOC) sa loob lamang ng anim na buwan kasabay ng pinaigting nitong kampanya kontra  ipinagbabawal na gamot.

Batay sa ulat ng BOC, mula  Enero hanggang Hunyo  2019, sa ilalim ng pamumuno ni  Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ay nakasabat sila ng kabuuang  P2,966,500,000.00 halaga ng shabu at P145,482,800.00 kabuuang halaga naman  ng marijuana, cocaine, at party drugs.

Samantala, mula Marso 2018 hanggang Agosto 2019, nasabat din ng Customs-NAIA  ang 67.13-kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P546 milyon; 17,964 tabletas ng ecstasy na may katumbas na halagang P32 milyon; 3.99-kilo ng cocaine na may katumbas na halagang  P21 milyon; 83 cartridges/pcs liquid mariju-ana na may halagang P111,420.00; 194 marijuana/kush weeds; at 71,990 tabletas ng valium/mogadon na may halagang P56.193 milyon.

Ang  pagkakasabat  ng nasabing iba’t ibang illegal  drugs  ay resulta na rin sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng BOC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at sa kanilang  foreign counterparts bilang suporta sa kampanya ni Pangulo Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga. (JO CALIM)

193

Related posts

Leave a Comment