(Ni JOEL O. AMONGO)
Inaasahang mas lalo pang gaganda ang serbisyo ng Bureau of Customs (BOC) Port of Batangas matapos mai-award dito ang recertification ng International Standardization Organization (ISO) 9001:2015 Quality Management System.
Nitong nagdaang Agosto 2, natanggap ng nasabing port ang kanilang award para sa kumpletong recertification audits para sa ISO 9001:2015 Quality Management System sa pamamagitan ng TÜV SÜD Philippines.
Pumasa ang BOC-Port of Batangas sa annual surveillance audits simula taong 2012 dahilan upang pagkalooban ito ng ISO certification.
Bunga na rin ito ng pagsisikap ng mga tauhan ng Port of Batangas katuwang din ang Bureau of Customs Quality Management System Coordinating Team.
Pinangunahan ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ang pagbibigay ng award at bumati sa BOC-Batangas para sa panibago nitong gawain.
Bahagi pa rin ito ng 10-point priority program ng commissioner na ang layunin pa rin ay makapaghatid ng may kalidad na serbisyo sa mga stakeholders.
“By 2019, we will start the ISO certification process of the Bureau of Customs to further boost our Customs services as well as our internal systems and processes. Through this effort, we can rebuild the Bureau’s integrity and gain the trust and confidence of the public,” ayon sa Customs chief.
Binigyang diin pa ng opisyal na kailangan ng programang pangreporma sa BOC para magkaroon ito ng kredibilidad at mapairal ang transparency bilang isa pa ring mapagkakatiwalaang ahensya ng gobyerno.
138