TINALAKAY sa pagpupulong sa pagitan ni Bureau of Customs Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, at ng mga miyembro ng Serious and Organized Crime Threat Assessments (SOCTA) Research Team ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang pagpapalakas ng seguridad sa kalakalan noong Agosto 31, 2023.
Binigyang-diin dito ang kanilang hindi natitinag na pangako para tiyakin ang mabilis at ligtas na galaw ng imported goods sa lugar na nasasakupan ng Bureau of Customs-Port of Cebu.
Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ay sina District Collector Morales; Enforcement & Security Service – Customs Police Division District Commander SP/Capt. Abdila S. Maulana; Customs Intelligence & Investigation Service Chief Carlo A. Bautista; X-ray Inspection Project Cebu Field Officer Saripoden S. Mutin; Deputy Collector for Assessment Conrado M. Abarintos; Law Division Chief Erwin C. Andaya, at ang mga miyembro ng SOCTA Research Team na kinabibilangan nina Atty. Jason J. Ison, Mr. Johen Felix Lledo, Dr. Heledina A. Lagumen, at Mr. Marvin de la Paz.
Ang pinag-usapan sa pagpupulong ay may kaugnayan sa ‘areas of revenue collection, trade facilitation, and border protection’. Ang pamunuan ng Port of Cebu ay ibinahagi ang kanilang estratehiya na ipinatutupad upang tugunan ang mga hamon na kinahaharap.
“We thank the PAOCC for incorporating the Port of Cebu in its SOCTA. We hope that our input in the FGD will serve as basis for future policy recommendations. The Port of Cebu reaffirms our commitment to the PAOCC as a partner in combating illegal trade and smuggling. With the strong collaboration with PAOCC and other partner-agencies, the Port shall relentlessly pursue our ‘whole of government’ approach against the entry of smuggled goods,” ani District Collector Morales.
Sa ilalim ng pamumuno ni District Collector Morales at sa pro-active guidance ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio, ang Port of Cebu ay tumatayo bilang isang matatag na partner sa pagbuo ng mas ligtas na kapaligiran sa pangangalakal.
(JO CALIM)
402