BAGONG PATAKARAN SA BOC TANGGAP NG PAMUNUAN

Tanggap ng buong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang ibinabang bagong kautusan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero hinggil sa tamang patakaran para sa alerted shipments sa ahensiya.
Batay sa Custom Memorandum Order 21, hindi na maaaring makialam pa ang mga BOC personnel na kumakatawan sa Office of the Commissioner sa pag-inspeksyon sa mga alerted shipments, pagmarka sa kargamento bilang condemn, at pagsubasta.
Nakasaad rin sa dokumento na ang District/Port collector na ang siyang puwedeng kumontrol at mag-supervise sa maayos na pagsasagawa ng kailangang physical examination o non-intrusive examination base sa inaprubahang alituntunin at pamantayan, alinsunod sa CMO No. 19-2018.
Anuman ang maging resulta ng pagsusuri o eksaminasyon ng itinalagang examiner ay kailangang mailagay sa Alert Order Report Form kasama ng mga nakita o nadiskubre nito, sertipiko na nagsasabing ang kargamento ay nabubulok o hindi at rekomendasyon para sa approval ng District/Port Collectors.
Ang nabanggit na Alert Order Form ay kailangang isumite sa Office of the Commissioner o sa District/Port Collectors sa loob ng isa o dalawang araw kung ang kargamento ay nabubulok (perishable) mula sa araw na matapos ang pagsusuri o eksaminasyon.
15

Related posts

Leave a Comment