PH REP SA MANHUNT INTERNATIONAL OFF TO AUSTRALIA

(By: ROMMEL GONZALES)

Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ng international male model na si Jeff Langan! Kababalik lang niya sa Pilipinas mula Las Vegas sa Amerika nitong Oktubre, pero mamayang gabi (November 26) ay lilipad na siya patungong Gold Coast, Australia para maging representative ng Pilipinas sa Manhunt International sa December 2.

Modelo si Jeff both sa US at dito sa Pilipinas at sanay na siyang rumampa kaya hindi raw siya nakakaramdam ng kaba sa first-ever male pageant na sasalihan niya.

“I feel like I was born for this. It feels like I have a purpose for something in the end because I get to represent my country which is the Philippines, so I’m really excited,” pahayag ni Jeff.

Successful model na siya sa States, bakit siya nagdesisyon na sumali ng modeling contest?

“Well, I kinda wanna see what I can do out here, coz four years ago you know I lived here and you know, I was trying to venture off being an artista and stuff, so you know, I’m gonna have my foot back in the door and see what can I do now, see if I can venture into market, and we’ll see what happens.

“And I honestly wanted to come out here to do a lot of traveling because I know the Philippines is so beautiful, the islands, I have yet to explore Palawan, I’ve been to Boracay, so it was kinda like a mixed business with pleasure, so kinda like that.”

Dahil sa mainit na isyu ng sexual harassment sa mga male and female pageants, tinanong si Jeff kung may sexual harassment incidents siyang alam sa mga male pageants.

“I couldn’t really say because this is my first pageant.

“In the modeling world, yes, I guess it happens from time to time.

“But I’ve been well protected by the agencies I have been with so every time I go out on the shoots, they know the clients, so it’s never really sketchy,” sinabi ni Jeff.

Nabalitaan ni Jeff na nakatatanggap ng mga indecent proposal ang mga kapwa niya model, pero siya ay hindi dahil umiiwas siya.

Alaga ng Empire.PH at Mercator Artist and Model Management ni Jonas Gaffud si Jeff; ilan pa sa mga talents ni Jonas ay sina Benjamin Alves, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Josh Barfuss, Hideo Muraoka at ang mga beauty queens na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Ahtisa Manalo at Pia Wurtzbach.

Kaya alam ni Jeff na nasa mabuti siyang pangangalaga.

“That’s part of the reason why, you know, with Jonas I’m in good hands.”

Papasukin rin ni Jeff ang pag-aartista.

4

Related posts

Leave a Comment